Advertisers

Advertisers

3 Tsekwa arestado sa panunuhol sa tauhan ng DFA

0 226

Advertisers

Inaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation-Quezon province ang tatlong Chinese mula Maynila, nang magtangkang kumuha ng Philippine Passport sa Department of Foreign Affairs Office sa Lucena City gamit ang mga pekeng dokumento at tinangka pang manuhol ng P800,000 sa DFA, nitong Huwebes.
Kinilala ang mga suspek na sina Jiewu Pan at Cuiyi Lian, mag-asawa; Chaoyu Su alyas ‘Jacky Su’, na pawang mga Chinese national.
Ayon sa DFA Lucena, lumapit ang isa sa tatlong Chinese na si Su, na tumayong fixer, sa isa sa security officer.
Nagpatulong umano ito na magkaroon ng contact o kaibigan sa loob ng kagawaran upang makapagpagawa ng passport.
Sa ulat, nag-alok ng P400,000 sa bawat passport na magagawa at mga Chinese umano ang mga kliyente. Sinabi ni Su na magdadala ito ng 10 Chinese na pagagawan ng Philippine passport.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Passport Law at Falsification of Public Documents at Bribery ang mga naarestong Chinese. (PFT team)