Advertisers
PATAY ang apat na magkapitbahay nang mag-agawan sa tanim na kamoteng kahoy at saging na nauwi sa barilan sa Maguindanao.
Kinilala ang mga namatay na sina Amir Impos, Norodin Magao, Alex Galang, at Robin Magao habang sugatan ang limang iba pa at pawang mga residente ng Barangay Kalbugan Pagalungan Maguindanao.
Sa report, 10:00 ng umaga ng Miyerkules nang maganap ang sagupaan sa nasabing lugar na parehong mga kasapi ng Moro Fronts.
Ayon sa ulat, unang binaril-patay si Impos ng pamilyang Magao sa agawan sa lupa na may mga tanim ng saging at kamoteng kahoy sa hangganan ng kanilang lupang sinasaka.
Dahil dito, gumanti ang kaanak ni Impos at sinugod ang mga salarin bitbit ang matataas na kalibre na armas.
Makalipas ng isang oras na bakbakan tinamaan ang apat na agad nilang ikinamatay habang sugatan ang limang iba pa.(PFT team)