Advertisers

Advertisers

PULIS BUMULAGTA NANG RUMESPONDE SA HOLDAP SA MAYNILA

0 487

Advertisers

PATAY ang isang pulis at sugatan ang tatlo pang katao nang pagbabarilin ng grupo ng mga nakasakay ng isang SUV sa Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Police Executive Master Sgt. Roel Candido, 53, nakatalaga sa Meisic Police Station at residente sa 714 D Benita St, Gagalangin, Tondo, Maynila.
Sugatan naman sina Catherine Ornido, 43, jewelry shop owner sa China Town Gold Center sa Sta. Cruz; Vibsia Canete, 20, saleslady; at Sulficio Pisngot, 63, driver.
Base sa CCTV footage at cellphone video recordings, 5:40 ng hapon binabaybay ng mga biktima sakay ng Toyota Innova ang northbound ng Florentino St. nang isang kulay pulang Mitsubishi Mirage hatch back na naka-hazard sa kanang bahagi ng kalsada ang biglang umabante at hinarang ang mga biktima.
Sa ulat, bumaba ang tatlong armadong lalaki at pinagbabaril ang mga biktima.
Tiyempong napadaan si Candido sa nasabing kalye na one way sakay ng kanyang scooter at napansin ang insidente kaya nirespondehan niya ito.
Sa ulat, bago pa man makabunot ng baril si Candido ay pinaputukan na ito ng mga salarin na naging resulta ng kanyang agarang kamatayan.
Isa sa salarin na nakasuot ng fatigue uniform ang tumangay sa service firearm ni Candido na nakasukbit pa sa beywang nito, at sapilitang tinangay ang mga bag ng mga biktima na naglalaman ng mahahalagang gamit at kita ng jewelry shop, saka tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Soler St.
Ayon kay MPD-Homicide Chief, Captain Henry Navarro, nagsasagawa na ng back tracking at case investigation ang mga imbestigador. Kinunan narin ng salaysay ang mga sugatang biktima. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)