Advertisers

Advertisers

Rep. Romero, pinakamayan sa Kongreso

0 825

Advertisers

Muli na naman naging usap-usapan si House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero nang ilabas ng Forbes magazine ang talaan ng 50 bilyonaryo sa buong Pilipinas.
Ngayong taon, sa apat na Filipino na nakapasok sa listahan ng Forbes, isa ay ang mambabatas na si Rep. Romero sa 46th na pwesto na mayroong net worth na $135 million or P6.5 billion.
Hindi na bago si Rep. Romero sa listahan ng Forbes, mula ng mahalal sa Kongreso noong 2016. Nakilala na ito bilang pinakamayang mambabatas sa taong 2017, kung saan ang yaman na ito ay nagmula sa angkin na talino sa pagpapatakbo ng mga negosyo bago pa man maging mambabatas.
Sa kabuuan, ito ay pangatlong sunod na taon na ni Romero sa paghawak ng record bilang pinakamayaman na Congressman sa buong Pilipinas.
Kamakailan lang, naging laman ng mga pahayagan at internet si Deputy Speaker Romero ng maging kapuna-puna ang sipag nito nang masilip ang talaan ng “Bills and Index” sa Kamara.
Umani ito ng papuri nang makita sa records ang higit sa 700 panukalang batas na naitala nito sa loob ng apat na taon sa pagkakaupo bilang 1st Representative ng One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals (1Pacman) party-list.
Ang 47 sa panukala nito ay ganap ng kapaki-pakinabang na batas ngayon matapos pormal na malagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte, ilan dito ay ang ekstensyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at Mandatory Philhealth coverage para sa lahat ng may kapansanan. At ang kamakailan lang ay ang Bayanihan Act 1 and 2, na sumalba sa bansa ay mamamayan sa gitna ng pandemyang sa kasalukuyan.
“Wala po akong ibang masasabi pa kung hindi, salamat sa Maykapal… sa kaloob niyang malinaw na pag-iisip at kalusugan upang tayo ay maging instrumento sa pag-tulong sa mga mas nangangailangan. At sa Presidente na siyang nag-apruba ng mga batas na ito,” pahayag ni Romero.
Ayon sa mambabatas, kasalukuyan ay pinaghahandaan nila ay ang mga maari pang itulong sa mamamayan at bansa upang maibsan ang paghihirap na dulot ng Covid-19.