Advertisers
UMAKYAT na sa 290,190 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,475 bagong kaso nitong Lunes, Setyembre 21.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,182 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 560 at Region 3 na may 246.
Nakapagtala naman ang DOH ng 400 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 230,233 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 15 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 4,999 na ang kabuuan.
May 28 duplicates naman na tinanggal sa total case count kung saan 19 dito ay recovered cases.
Samantala, sa 13 kaso na inulat na gumaling ay 12 dito ay namatay na at isa ang kasama sa active case matapos ang final validation.
(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)