Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga healthcare professionals na mayroon nang kontrata at kumpletong travel documents hanggang Agosto 31, 2020 na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.
Saad pa ni Roque, mabebenepisyuhan dito ang mahigit 1,500 nurses at iba pang health workers.
Binigyan-diin ni Roque na exempted din sa naturang travel ban ang mga nagbabakasyon sa bansa na mga health workers na mayroon pang kontrata sa ibang bansa.
Matatandaan na tanging ang mga health workers lamang na mayroong government issued overseas employment certificates at verified work contracts hanggang nitong Marso 8 ang exempted sa temporary deployment ban sa medical at allied health workers. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)