Advertisers
SA kauna-unahang pagkakataon ay nakatakdang humarap at magbigay ng mensahe si Pangulong Rodrigi Duterte sa United Nations Assembly sa Miyerkules, Setyembre 23.
Sinabi ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje, ngayong linggo ide-deliver ng Pangulo ang statement ng Pilipinas sa gagawing General Debate ng UN General Assembly na nagsimula ang ika-75 na session nitong nakalipas na Iinggo.
Ayon kay Borje, si Pangulong Duterte ay kabilang sa unang set ng speakers.
Pahayag pa ni Borje, magiging virtual ang naturang UN General Assembly ngayong taon dahil sa global pandemic.
Inaasahan umanong sesentro ang mensahe ni Pangulong Duterte sa US-China tension sa South China Sea kung saan claimant ang Pilipinas sa ilang teritoryo.
Tatalakayin din umano ni Pangulong Duterte ang global response sa COVID-19 pandemic, sustainable development and climate change, rule of law, justice and human rights, kasama na ang sitwasyon ng mga migrant workers at refugees, gayundin ang peacekeeping at UN reforms.
Matatandaan na mula nang maupo ang Punong Ehekutibo ay ang mga foreign secretaries ang kumakatawan sa kanya. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)