Advertisers
INANUNSIYO ng Globe ang pinakamalaki nitong network upgrade sa kasalukuyan, 10 taon matapos na ipakilala nito ang data sa kanilang nationwide network transformation program. Ang network upgrades ay bilang tugon sa kahilingan ng pamahalaan sa mga telco na pagbutihin pa ang internet services lalo na sa mga panahong ito na lubhang kinakailangan ang connectivity
Inilatag ng Globe ang tatlo nitong estratehiya upang mapagbuti pa ang voice at data experience ng mga kostumer. Una, ang pabilisin ang pagtatayo ng mga cell site upang mapalawak pa ang sakop nito at mapataas ang kapasidad sa data. Sa matinding suporta ng ARTA at ng Bayanihan to Recover As One o ang Bayanihan 2, mas mapabibilis ang proseso at pagpapalabas ng national at LGU pemits na higit na kinakailangan ngayon upang masimulan na ang pagpapatayo ng mga imprastaktura upang mapagbuti pa ang internet connection sa bansa.
Pangalawa, i-upgrade ang lahat ng sites nito para magkaroon ng 4G/LTE gamit ang iba’t ibang frequencies, na mahalaga kapwa sa coverage at speeds. Kung may 4G saan man, magiging data-ready ang bansa at matutugunan nito ang tumataas na pangangailangan ngayon ng mga kostumer para sa bandwith at mas pinabilis na data.
Pangatlo, pabilisin ang fiberization sa bawat tahanan ng pamilyang Filipino upang mapagbuti pa ang kanilang data experience gamit ang wireline connectivity. Dahil karamihan sa oras natin ngayon ay sa bahay lamang dahil sa lockdown, ninanais ng Globe na masolusyonan kaagad ang lumalaking demand para sa home broadband na may mas malaking fiber footprint, gamit lamang ang pinaka-advanced na teknolohiya.
Ang lahat ng network upgrades ay Inaasahang makukumpleto sa 2021.
“Globe is in a much better position now to fulfill the demands of its customers. In doing network upgrades at this time, we will be able to provide our customers with much improved network performance and quality of service. We look towards the future when the country is fueled by a strong digital economy that is enabled by resilient and reliable connectivity,” sabi ni Globe president and CEO Ernest Cu.
Ang Globe ang nangunguna sa mobile ng bansa at ninanais na mapagtibay rin ang pangunguna nito sa broadband category. Para sa 2020, naglaan ang kompanya ng Php50.3 bilyon sa capex, kung saan ang malaking bahagi nito ay ilalaan para sa network upgrades initiatives.
Kamakailan lamang ay naglabas ang kompanya ng serye ng network updates, kabilang ang pagtatayo ng 900 cellsites na may limang magkakabahaging independent tower companies (towercos), na may 190 permits mula sa 85 local government units (LGU), network upgrades sa walong lugar sa Visayas at Mindanao, gayundin ang pagtatayo ng 32 bagong towers sa ilang mga barangay sa Quezon City. Naglatag na rin ang Globe ng fiber lines sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Batangas, Cebu at Davao Del Sur. Sa loob ng 8 buwan na paglalatag ng fiber ay nakapagtala na ng 51.4% na kabuuang pagtaas para sa buong taong 2019. Sa kasalukuyan, sinisikap ng kompanya na mailipat mula sa copper lines ang mga kostumer papunta sa fiber nang libre.
Kahit nagsasagawa ang Globe ng malawakang network upgrade, inihahanda rin nito ang paglalagay ng 5G network sa mga piling lokasyon tulad ng Bonifacio Global City (BGC), Makati CBD, Rockwell Center, Ortigas CBD, ilan pang lugar sa EDSA at C5, Taguig, Pasig, Mandaluyong, Marikina, Paranaque, Muntinlupa, Las Pinas, Valenzuela, at Caloocan.
Ang Globe ay may commitment na suportahan ang 10 sa United Nations Sustainable Development Goals, tulad ng UNSDG No. 9 sa pagtatayo ng resilient infrastructure, pagsusulong ng sustainable industrialization at pagtutulak sa inobasyon. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.