Advertisers
Nanawagan si Bise Presidente Leni Robredo na isagawa ang face-to-face classes sa mga lugar na hindi nakapagtala ng COVID-19 transmission.
Binigyan-diin ni Robredo na hindi dapat maisakripisyo ang kalidad ng edukasyon dahil na rin sa kawalan umano ng access sa online learning.
Ayon pa sa Pangalawang Pangulo, huwag ipilit ang modular learning sa lahat kung gagastos lamang ang mga magulang lalo’t kulang ang P4 bilyong pondo ng distance learning na inaprubahan sa Bayanihan 2 Act. Dagdag pa ni Robredo sa ilalim ng online learning mangangailangan ng laptop, internet connection at printed modules ang mga estudyante at guro. (Josephine Patricio)