Advertisers
BILANG hamon ngayon panahon ng pandemya dahil sa krisis dulot ng Covid-19 posibleng yumabong ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 2021, dahil sa itatayong international port sa Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur ang susunod na global destination port sa Asia sa 2021.
Ito’y sa sandaling mailunsad sa susunod na taon (2021) ang pinakamalaki at ambisyosong proyekto sa Bislig City ang itinuturing na world-class international port na may pinakamalaking container terminals, shipbuilding yard, oil refinery at oil farm deport, cold storage, shipping-hub corporated centre.
Ang tinaguriang world-class international port na pag-aari ng JM McGregor Hanggens Inc. na isang 100% Filipino-owned development company ang pinakamalaki at ambisyosong proyekto sa Bislig City ayon kay Mr. Jonathan “Jong” S. Sanchez. ang company’s chairman and chief executivie officer.
Ayon sa ulat ang “The Maritime City” na may inisyal na gastos na aabot sa six $6-Billiion dollars na may backed-up na Aria Indonesia-Aria Asset Management of Luxembourg na siyang may host ng iba pang major global financial partners.
Sinabi ni Sanchez ang naturang mega-infrastructure development project, pinangarap na–transform sa city at province sa susunod na global destination port sa Asia sa kabila ng pandemic bilang hamon sa Philippine economy upang muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.
Sa ulat, ang Bislig City isang strategic location sa Southern Philippine na naharap sa Pacific Ocean ay nag-aalok ng maiksing transit point para sa oil at iba pang cargoes para sa vessels mula sa Australia patungong Japan, Korea, China at United States Territories and vice versa.(Boy Celario)