Advertisers

Advertisers

POE: DAPAT VIRUS-FREE LAHAT NG BIBIYAHENG BUS SA MM, IBANG REHIYON

0 263

Advertisers

HABANG pinapayagan na ng pamahalaan ang operasyon ng ilang ruta ng bus, sinabi ni Senadora Grace Poe na kailangang sundin pa rin ang mga minimum health standard sa pampublikong transportasyon upang maging ligtas ang bawat biyahe laban sa coronavirus.

“Habang nadadagdagan ang mga pampublikong sasakyan sa kalsada, kailangang doblehin rin ang pag-iingat upang hindi mahawa at makahawa ng COVID-19,” wika ni Poe.

Dapat mahigpit aniyang sundin ang mga safety protocol ng lahat ng pasahero at tsuper tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at pagbibigay ng tamang impormasyon para sa contact tracing.



Kailangang bawasan ng transport operator at awtoridad ang panganib sa pasahero na mahawa sa virus sa lapag o hawakan sa pamamagitan ng regular na decontaminating at disinfecting sa lahat ng sasakyan at terminal.

Simula Setyembre 30, magbubukas ang ilang ruta ng bus upang magsilbi sa mga pasahero na bibiyahe mula at patungo sa Metro Manila sa Region 3 at 4A.

Ayon kay Poe, susi ang mga provincial bus sa paghahatid ng mamamayan at produkto mula Metro Manila at katabing rehiyon at sa pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga drayber na matagal nang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemic.

“Dapat imomonitor ang lahat ng bus stop at terminal sa pagsunod sa social distancing,” ayon kay Poe.

Aniya, kailangang maayos at nasa takdang oras ang pag-alis at pagdating ng bus upang maiwasan ang siksikan ng pasahero sa mga bus stop at terminal at matiyak na ligtas na magkakalayo-layo sila.



Dapat malinis ang mga pasilidad sa lahat ng pagkakataon at dapat mayroon ding disinfectant at sanitizer na puwedeng magamit ng pasahero.

Ayon kay Poe, kailangang matiyak na maiiwasan ang panganib ng pagkahawa sa bawat biyahe dahil krusyal ang pampublikong sasakyan sa pagpapasigla ng ekonomiya.

“Ang ating manggagawa ang siyang nagpapakilos sa ating ekonomiya. Kung mahihirapan silang kumilos, mahihirapan din ang ating ekonomiya na sumulong,” giit ni Poe. (Mylene Alfonso)