Advertisers

Advertisers

‘Posibleng pakikialam ng China sa 2022 elections, pinangangambahan’

0 241

Advertisers

PINANGANGAMBAHAN ng ilang kongresista ang posibilidad na manghimasok ang China sa 2022 presidential election upang mapanatili nito ang impluwensiya sa Pilipinas at hindi sila habulin sa kanilang iligal na pag-okupa sa West Philippine Sea.
Ayon kina ACT Partylist Rep. France Castro at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na maraming senyales na makikialam ang China sa susunod na presidential election tulad ng Facebook account na nakabase sa Fujian, China na sumusuporta umano sa presidential bid ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Sara Duterte.
Ang naturang account ay kabilang sa mahigit 100 accounts na inalis ng pamunuan ng Facebook kamakailan.
Kasama rin dito ang mga pekeng account umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Nationa Police (PNP).
Sa pahayag ni Zarate, hindi na siya magtataka kung manghihimasok ang China sa 2020 presidential election dahil malaki ang interes nito sa Pilipinas, lalo na sa inaangkin nitong bahagi ng karagatang sakop ng bansa.
Kaugnay nito ay hinamon niya ang social media regulators sa bansa at maging sa Facebook na maging pro-active sa laban sa mga ganitong account at network upang hindi maimpluwensiyahan ng sinuman, lalo na ng China ang susunod na halalan sa bansa.
Samantala, iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite na ang National Bureau of Investigation (NBI) Office of the Ombudsman ang dapat na mag-imbestiga sa fake accounts sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP.
Naniniwala si Gaite na walang mangyayari kung ipauubaya sa AFP at PNP ang pag-iimbestiga sa mga pekeng Facebook account sa kanilang hanay. (Josephine Patricio)
***