Advertisers
UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa telecommunications companies na magpakita naman ng tunay na malasakit sa sambayanang Filipino sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang internet connectivity.
Hiniling din ni Go sa telcos na magbigay ng libre o kaya’y mababang singil sa kanilang serbisyo, lalo sa internet na siyang ginagamit ngayon sa pagpapabuti ng edukasyon, health care at economic opportunities sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Sa lahat po ng telcos at internet providers, kung gusto ninyo talagang tumulong sa bayan, ngayon na po ang panahon. Ayusin ninyo po ang inyong mga internet services,” iginiit ni Go.
Sinabi ng senador na bilang pagmamalasakit sa taumbayan at bilang parte ng ating bayanihan efforts, gawin dapat ng telcos ang lahat ng makakaya na maging mabilis, maayos at maaasahan ang serbisyo lalo na sa internet connection na kailangan ng lahat ngayon.
Nauna nang umapela si Go sa gobyerno at pribadong sektor, partikular sa telcos, na magbayanihan sa pagbibigay ng maaasahang internet connectivity upang mas madaling makasabay ang Filipino sa kanilang mga regular na aktibidad sa online para makaiwas na rin sa face-to-face transactions habang may pandemya.
“Ito na po ang ‘new normal’. Necessity na po ang fast and reliable internet. Huwag dapat magpahuli ang Pilipinas dahil importante ito para sa development ng mga Pilipino,” sabi ni Go.
Kung maisasayos ang serbisyo, sinabi ni Go na ang mga estudyante at mga guro ay magkakaroon ng mabuting koneksyon sa isa’t isa, ang mga pamilya ay makikinabang sa health care service habang nasa kanilang tahanan at ang mga lokal na negosyo ay magkakaroon ng maraming kustomer sa pamamagitan ng online.
“In just a few months, the COVID-19 pandemic has completely changed the way we work and communicate. As many schools and businesses were forced to go remote, we saw the true impact of the digital divide on our most vulnerable communities,” ani Go.
“If we want to limit the social and economic fallout of the pandemic and fast-track the nation’s recovery, we need to embrace broadband-friendly policies and accelerate the deployment of high-speed internet services, particularly in rural and underserved areas,” dagdag niya.
Hinimok din niya ang telcos na mag-alok ng assistance programs sa educational institutions, low-income households ay magkaloob sa mga teacher at estudyante ng libre o murang access sa high-speed internet.
“Kung maaari, baka pwedeng isama ‘yan sa corporate social responsibility programs ng mga kumpanya. Malaki ang maitutulong ng pribadong sektor upang malampasan ang krisis na ito kung uunahin natin ang kapakanan ng taumbayan kaysa ang sariling interes at kikitain nila,” paliwang ng senador. (PFT Team)