Advertisers
UMAKYAT na sa 309,303 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,025 infection base sa pinakahuling ulat nitong Martes, Setyembre 29.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 540 bagong kaso.
Sinundan ito ng Region 4A na may 296 at Region 3 na may 239.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 50,925.
Nakapagtala naman ang DOH ng 290 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 252,930 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 68 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,448 na ang kabuuan.
May 10 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Apat dito ay recovered cases at isang nasawi ang tinanggal.
Samantala may 21 kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)