Advertisers

Advertisers

DUTERTE SUKO NA SA GRABENG KORAPSYON; DI MAGRE-RESIGN

0 300

Advertisers

AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na binalak na nitong magbitiw sa puwesto dahil nagsasawa na umano siya at nahihirapan nang pigilan ang korapsiyon sa bansa.
Ito ang inilahad ng Pangulo sa kanyang ulat bayan nitong Lunes ng gabi, Setyembre 28.
Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi niya malabanan ang korapsyon sa bansa dahil may mga taong humahadlang sa kanilang isinasagawang hakbang para mas mapabuti ang pamahalaan.
Tiniyak ng Pangulo na handa na umano siyang humarap sa Kongreso para talakayin kung paano tuldukan ang katiwalian sa pamahalaan. Nananawagan ang Pangulo sa publiko na direktang ireport sa kanya ang mga nangyayaring korapsiyon.
Pinuntirya ng Pangulo ang Land Registration Authority (LRA) na isa sa ahensiya ng pamahalaan na talamak sa korapsyon maging sa mga lalawigan.
Aminado rin ang Pangulo na simula nang pumasok siya sa pamahalaan bilang prosecutor, mayor at bilang presidente noong 2016 ay kanyang napagtanto na walang katapusan ang katiwalian at mahirap itong pigilan. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)
PDu30 ‘DI MAGRE-RESIGN
NILINAW nitong Martes, September 29, ng Palasyo na hindi magbibitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kanyang pagkadismaya sa patuloy na korupsyon sa gobyerno.
Pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, katunayan ay gagamitin nga ni Pangulong Duterte ang natitira niyang dalawang taon para linisin ang gobyerno.
Sinabi pa ni Roque, seryoso lang talaga si Pangulong Duterte sa kanyang pagkadismaya at pikang-pika na sa korupsyon.
“Mukhang hindi naman po dahil gagamitin nga niya ‘yung natitira niyang dalawang taon para linisin ang gobyerno,” ani Sec. Roque.