Advertisers

Advertisers

Hitman sabog ang bungo kay tserman

0 190

Advertisers

TODAS ang isang hitman sa bilis ng kamay ng barangay chairman na tinangka nitong patayin sa lalawigan ng Maguindanao.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na salarin.
Kinilala ang sugatan na si Durex Kasim, chairman ng Barangay Muslim, Guindulungan, Maguindanao.
Sa report, 4:00 ng hapon nitong Martes nang maganap ang krimen sa harap ng carwash sa Brgy. Tambunan 2 sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nagpapalinis ng sasakyan si Kasim sa carwash nang sumulpot ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo.
Isa sa mga salarin ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima, subali’t nadaplisan lang ito ng bala sa katawan.
Kaagad nakaganti ng putok si Kasim sa mga salarin, kungsaan nasapol sa ulo ang gunman na nakaangkas sa motorsiklo.
Sumemplang ang dalawang salarin sa motorsiklo, pero mabilis na nakatakas ang driver habang dinala sa ospital ang isa pero idineklarang patay.
Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya sa pamamaril.
Inaalam kung ang napatay na salarin ang nasa likod din ng pagpatay kay Guindulungan Municipal Councilor Morsid Midtimbang Lauban nitong Lunes.(PFT team)