Advertisers

Advertisers

Hontiveros binuking 11 kontrata ng DBM sa PPEs, overpriced

0 287

Advertisers

IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang umano’y 11 kontrata ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan makikita ang pagbili nito ng mga overpriced personal protective equipment (PPE) sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan.
Makikita na bumili ang DBM ng PPEs na aabot sa P1,700 hanggang P1,980 ang isang set. Taliwas sa inilabas na circular ng Department of Health (DOH) kung saan nakasaad naman na P945 lamang ang cap price ng mga PPE sets na ibinenta simula noong Marso 23 hanggang Abril 12, 2020.
Nabatid pa ng senador na sa 11 kontrata, tatlong transaction dito ay ginawa sa panahon na nagpatupad ng price freeze ang health department.
Dapat aniya ay aabot lamang ng P1,000 ang halaga ng PPE set kung kukunin ito sa locak companies pero sa halip ay sa mga Chinese firms umano nakipag-transaksyon ang DBM.
Apat lang dito ang mula sa local manufacturers, ayon kay Hontiveros. Pagtatanggol pa ni Hontiveros, Pebrero pa lamang ay kayang-kaya na raw ng mga Pinoy PPE producers ang gumawa ng 2 milyong face masks kada buwan.
Inaasahang sa senate plenary ay uungkatin ni Hontiveros ang naturang isyu. Marami aniya siyang katanungan para sa DBM upang mas malinawan at mabigyan pa ng impormasyon hinggil dito ang ang senador. (Mylene Alfonso)