Advertisers

Advertisers

International airport sa Bulacan, solusyon sa Metro Manila traffic — Bong Go

0 280

Advertisers

SUPORTADO ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang House Bill No. 7507 na nagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc. upang magtayo, mag-develop, mag-operate at magmantina ng domestic at international airport sa Bulakan, Bulacan.

Sa Senate regular session, iginiit ni Go na ang kontruksyon ng bagong paliparan sa Bulacan ay makatutulong upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Bukod dito, makalilikha rin ng mga trabaho sa Filipino ang pagtatayo ng paliparan, lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.



“This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand in hand in building a better future for our people,” ani Go sa kanyang manifestation of support sa pagsisikap at proyekto ng San Miguel.

“Like I said, this will go a long way towards providing jobs and other economic opportunities outside Metro Manila, and will help decongest our urban areas. Napakarami pong matutulungan ng pagtayo ng airport na ito,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na ang pagtatayo ng bagong airport ay malaking tulong rin sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, na layong himukin ang ilang residente sa Metro Manila na magsimula ng bagong buhay at kabuhayan sa kani-kanilang lalawigan.

“Napakarami pong matutulungan ng pagpatayo ng airport na ito. This is also in line with the Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na aking isinusulong para mahikayat magbalik probinsya ang ating mga kababayan. Kasama na rito ang pag-improve ng imprastraktura, pagbibigay ng trabaho, pag-angat ng antas ng buhay sa mga karatig-lugar at pag-decongest ng Metro Manila,” ani Go.

“The establishment of this airport will help us realize these goals,” dagdag pa ng senador.



Gayunman, nagpaalala si Go sa proponents ng proyekto na tiyaking maoobserbahan at masusunod ang mga batas at rules and regulations sa konstruksyon ng bagong airport sa Bulacan.

“Dinidiin ko lamang po na dapat maobserbahan at masunod ang mga batas, rules and regulations when it comes to the environment, labor, and all other pertinent laws,” sabi ng mambabatas.

Tiniyak din ni Go sa main sponsor nito na si Senator Grace Poe na patuloy siyang makikipagkoordina sa executive agencies upang masiguro na ang mga obhektibo ng proyekto ay matupad nang naaayon sa batas.

“Your request is duly noted, madame sponsor, and we will do what we can do to support you in achieving these objectives. Having said that, I wish to convey my intention to co-sponsor this measure,” ani Go

“I just want to very briefly state that I fully support the move to open a new airport in Bulacan, thanks to the efforts of San Miguel Corporation,” ani Go sa public hearing.

Aniya, matagal nang inaasam na ma-decongest ang traffic sa Metro Manila.

Ang privately funded airport project ay kabibilangan ng passenger terminal building na may airside at landside facilities at 8.4-km tollway na magsisilbing airport access na nakakonekta sa North Luzon Expressway sa Marilao, Bulacan. (PFT Team)