Advertisers

Advertisers

Retiradong titser nalitson ng buhay!

Dahil sa napabayaang nakasinding yosi sa kuarto.

0 241

Advertisers

NASAWI ang isang retiradong guro sa sunog na sumiklab sa kaanilang bahay sa Barangay Obaliw, Albay nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Pedro Silerio, 76-anyos.
Ayon kay Fire Marshal Epinito Avila, hindi nila alam na nasa loob ng nasusunog na bahay ang biktima.
May nakakita umano na ligtas na nakalikas sa nasusunog na bahay si Silerio.
Sa report, may isang timba na natagpuan ang mga bumbero malapit sa biktima, na posible umanong bumalik ng bahay si Silerio para subukan pang apulahin ang sunog.
Ayon sa ulat, lumalabas na ang napabayaang sigarilyo sa loob mismo ng kuwarto ng biktima ang sanhi ng sunog.
Nasunog ang karamihan ng gamit sa baba ng bahay, kasama na ang isang sasakyan at dalawang motorsiklo.