Advertisers

Advertisers

Spox Roque: Botohan ng mga kongresista sa pagbibitiw ni Cayetano, legal

0 283

Advertisers

PANATAG ang Malakanyang na legal ang ginawang botohan ng mga kongresista para tutulan ang resignation ni House Speaker Alan Cayetano.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing nitong Huwebes, Oktubre 1.
Nilinaw ni Roque na ito’y alinsunod sa Saligang Batas kung saan ang mga kongresista lang ang bukod tanging may kakayahan at karapatang bumoto ng kanilang lider.
Pahayag pa ni Roque na bagama’t nagkaroon ng gentleman’s approach o term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Lord Allan Velasco ay malinaw na sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na “stay out na tayo diyan” at nirerespeto nito ang anumang desisyon ng mga kongresista ukol sa naturang isyu. Kasunod nito, sinabi ni Roque, ang ikinababahala ng Pangulo ay ang magiging epekto nito sa pagpapasa ng budget sa susunod na taon lalo na’t nakasalalay aniya rito ang pondo sa hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)