Advertisers
Patay ang isang lolo nang saklolohan nito ang tsuper ng dumptruck na nakuryente sa linya ng ISELCO-1 sa Brgy. Nakar, San Guillermo, Isabela nitong Huwebes, October 1, 2020.
Kinilala ang mga biktima na sina Salvador Wigan, 48, may-asawa, driver at residente ng Brgy. Salay, Angadanan, Isabela; at Florentino Manuel, 62, may-asawa at residente sa naturang lugar.
Sa ulat, iniaangat ng tsuper ang dump bed ng dumptruck ng aksidenteng mahagip nito ang primary lane ng kuryente ng iselco-1.
Tutulungan sana ni Manuel ang tsuper subali’t nakuryente na rin ito.
Dinala pa ang dalawa sa RHU San Guillermo para malapatan ng lunas subali’t idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.