Advertisers
ISANG 13-anyos ang ginahasa ng kainuman ng kanyang ama sa San Rafael, Bulacan.
Kaagad naman namang naaresto ang suspek na si Marvin Bautista, residente ng Baranggay Caingin, San Rafael.
Itinago sa pangalang “Ivana” ang biktima, out-of-school, ng Brgy. Marinquillo, bayan din ng San Rafael.
Ayon sa ulat, magkainuman ang suspek at ama ng dalagita sa kanilang bahay nang mangyari ang panggagahasa bandang 2:08 ng hapon.
Nabatid na sa gitna ng inu-man, umalis saglit ang ama ng biktima para kumuha ng dahon ng malunggay, kungsaan naiwan ang suspek at ang dalagita. Dahil dito ay dinamba, hinalikan, hinubaran at pinaglalamas ng suspek ang maseselang parte ng katawan ng biktima.
Nagawang makapagsumbong si Ivana sa kanyang lolo’t lola na agad nagpunta at nagreklamo sa kanilang barangay kaya naaresto ang suspek. (James de Jesus)