Advertisers

Advertisers

COVID-19 recovery target 95% – DOH

0 247

Advertisers

TARGET ng Department of Health (DOH) na mapataas pa ang recovery rate o mga gumagaling sa Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bagama’t kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa buong mundo base sa ginawang ranking ng Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center nilinaw nito na ito ay batay lamang sa cumulative number ng kaso sa bawat bansa.
Paliwanag ng opisyal, ang aktibong kaso sa bansa ay nasa halos 50,000 lamang kung saan karamihan ay mild at asymptomatic habang 80 porsyento na ang mga gumagaling sa sakit.
Sinabi ni Vergeire, na target ng DOH na maabot ang 95 porsyentong recovery rate sa lalong madaling panahon sa bansa. (Jocelyn Domenden)