Advertisers
UMAKYAT na sa 322,497 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 3,190 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 994 bagong kaso.
Sinundan ito ng Region 4A na may 597 at Region 3 na may 305
Nakapagtala naman ang DOH ng 18,065 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 273,079 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 100 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,776 na ang kabuuan.
May 23 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 13 dito ay recovered cases at 2 ang namatay na tinanggal sa case count.
Samantala may 19 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)