Advertisers
PATAY ang 70-anyos na da-ting kumandidatong mayor nang pagbabarilin habang bumibili sa tindahan sa Poblacion La Paz, Abra, Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Severo “Toncio” Afos III, kumandidato sa pagkaalkalde sa naturang bayan noong nakaraang eleksyon.
Sa ulat, bumibili ang biktima sa isang tindahan nang lapitan at pagbabarilin ng isang lalaki.
Namatay noon din si Afos dahil sa mga tama ng bala sa kanyang mukha, leeg, kamay at dibdib.
Agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon ng La Paz Municipal Police Station para alamin kung ano ang motibo sa krimen at matukoy ang salarin.