Advertisers

Advertisers

Registration sa Nat’l ID sa 32 provinces sa Oktubre 7

0 307

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisimula na sa Oktubre 7 ang pre-registration para sa National ID sa 32 probinsiya sa buong bansa.
Kabilang sa 32 probinsiya ay ang mga sumusunod: Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental at Tawi-Tawi.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, may koordinasyon na sa mga Philippine Statistics Authority at maging sa mga DILG regional offices.
Pahayag ni Año, pinili nila ang mga nasabing probinsiya dahil mababa ang Covid-19 cases sa nasabing mga lugar.
Paliwanag ng kalihim hindi muna kasama dito ang Metro Manila, Cebu at ang iba pang mga high risk areas na mataas ang kaso ng Covid-19.
Giit ni Año may mga kaukulang hakbang ang inihanda lalo na sa mga probinsiya na nasa MGCQ, layon nito para hindi maisa alang-alang ang kalusugan ng mga mamamayan kaya mahigpit pa rin paiiralin ang minimum health standards.
Nilinaw naman ni Malaya na hindi direct registration approach ang gagamitin kundi magbahay-bahay ang mga enumerators ng PSA para kunin ang mga basic data ng isang indibidwal.
Aniya, walang magiging pila dahil gagawan na sila ng iskedyul para pumunta sa munisipyo para sa registration at dito na gagawin ang biometrics.