Advertisers

Advertisers

9 sa 10 Pinoy kuntento sa performance ni Duterte

0 290

Advertisers

IKINATUWA ng Malakanyang ang 91% approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia Survey. Ang survey ay isinagawa nitong Setyembre 14 hanggang 20 at mas mataas kumpara sa 87% na naitala noong nakalipas na taon sa kaparehong buwan.
Sa pulong balitaan nitong Lunes, Oktubre 6, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sinasalamin ng naturang survey na nakikita ng mga Pilipino ang ginagawa ng Presidente para malutas ang health crisis at kahirapan dulot ng pandemya.
Inihayag pa ni Roque na nakikita rin ng publiko ang hindi pamumulitika ng Punong Ehekutibo sa kabila ng mga pasaring sa kanyang liderato sa bansa.
Binigyan-diin pa ni Roque ang panawagan ng Pangulo sa kapwa pulitiko na isantabi muna ang pulitika at tumulong sa laban ng bansa sa COVID-19. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)