Advertisers

Advertisers

SUPORTA KAY CAYETANO LUMOBO PA!

Sa speakership issue:

0 282

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

LUMOBO pa sa 190 ang mga kongresista na sumusuporta sa pamunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng pagpupumilit ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na maupo bilang speaker sa October 14.
Tahasang sinabi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na 190 solons na ang nagdesisyon na suportahan si Cayetano para sa patuloy nitong pamumuno sa kamara. Ang mga ito ay boboto pabor sa huli sakaling magkabotohan sa October 14.
Binira rin ni Villafuerte ang sinasabi ng kampo ni Velasco na nakuha na nito ang suporta ng buong partylist group at PDP Laban solons dahil si Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta at iba pang partylist solons ay supporters ni Cayetano.
Kinastigo rin ni Villafuerte ang pagkasama ni Senior Citizen Partylist Rep. Jun Datol sa listahan nina Velasco dahil ito ay namayapa na. Maging sina Deputy Speakers Johnny Pimentel at Dong Gonzales na kapwa kasapi ng PDP Laban ay kay Cayetano sumusuporta. “They say that they have the full backing of both the partylist bloc and PDP-Laban, when we all know that it is impossible since Congressmen Defensor and Marcoleta, as well as other partylist reps, have voted to reject the resignation of Speaker Cayetano. What’s even worse is that they still count Rep. Datol who passed away last month among those who they claim will vote for Velasco. This is the same with Deputy Speakers Johnny Pimentel and Dong Gonzales of PDP-Laban, who together with several of their party mates have indicated their support for Speaker Cayetano,” ani Villafuerte.
Sinabi pa ni Villafuerte na babalik sa kampo ni Velasco ang mga kasinungalingan na kanilang ipinalalabas sa media. “All this lying is bound to catch up with them sometime. Especially since we already have 190 real, actual, living members who have reaffirmed their support for the Speaker”.
Idinagdag pa ni Villafuerte na inaasahang lolobo pa hanggang 220 o mas mahigit pa ang mga kongresista na sumusuporta kay Cayetano bago mag- October 14. “At least 30 more who have indicated that they will support Speaker Cayetano should it come to a vote following the President’s statement that he will not intervene in the choice of individual members,” dagdag pa ni Villafuerte.
Una nang sinabi ni Deputy Speaker Boyet Gonzales na malinaw na isang ‘fresh mandate’ ang nakuha ni Cayetano nang ibasura ng 184 solons ang inalok na pagbibitiw nito nitong nakaraang linggo. “Speakership is a numbers game”.
Ayon pa kay Gonzales tungkol sa patuloy na pag-aambisyon ni Velasco na maging lider ng kamara kahit, sinabi na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘stay-out’ siya sa leadership issue dahil ito ay ‘purely internal matter’.
Tahasan ding sinabi ni Deputy Speaker Fredenil Castro na kahit araw-araw pang mag-resign bilang Speaker si Cayetano, araw-araw din nilang tatanggihan at ibabasura ang pagbibitiw nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">