Advertisers
UMAKYAT na sa 326,833 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,093 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Martes, Oktubre 6.
Muli namang bumaba ang bilang ng aktibong kaso na nasa 47,655 na lamang.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa Region 4A na umabot sa 472, NCR na may 431, Region 6 na may 238.
Nakapagtala naman ang DOH ng 209 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 273,313 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 25 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,865 na ang kabuuan.
May 22 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 11 dito ay recovered cases.
Samantala may 8 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)