Advertisers
KASABAY ng pagbubukas ng klase nitong Lunes, isang Grade 10 student ang natagpuang tadtad ng saksak at palo ng bato sa ulo sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Aize Rafael Dalupang, 18, re-sidente ng San Fermin.
Umaabot sa 15 saksak ang nakita sa katawan ng biktima, bukod sa malaking hiwa sa batok at pukpok ng bato sa ulo.
Sa ulat, nagpaalam ang biktima sa kanyang magulang na magtutungo sa isang kaibigan na nagdiriwang ng kaarawan, 6:45 ng gabi.
Simula nang magpaalam, hindi na nakauwi ang binatilyo hanggang sa matagpuan ni Barangay Kagawad Reynaldo Perez ang bangkay nito sa tabi ng isang community center.
Ayon kay Police Lt. Escarlette Topinio ng Cauayan City Police Station, isa sa sinisilip na anggulo ang sinabi ng nobya ng biktima na may nakaalitan ito. Hinihinalang inggit o babae ang dahilan ng brutal na pagpatay sa estud-yante.
Sinisiyasat pa ang krimen. (James de Jesus)