Advertisers

Advertisers

Pinakamaliit na chapel sa Pinas binuksan sa Albay

0 227

Advertisers

SA gitna ng isang bukid sa Barangay Gabawan, Daraga, Albay makikita ang pinakamaliit na chapel sa buong Pi-lipinas.
May lawak itong 18 metro kwadrado na pwede magsilong ng 12 tao. Hango sa konseptong Rustic o Western ang istraktura ng kapilya.
Ayon sa may-ari ng farm na si Harry Llaguno, siya mismo ang nagdisenyo ng chapel. Matagal niya na aniyang pangarap na makapagtayo ng sa-riling kapilya na nataon pang naitayo sa mahigit 2 ektarya niyang bukid, na isa rin sa mga nagsisilbing tourism site sa lalawigan.
Bukas ang chapel sa sinuman, kahit sa mga nais na gawin ang kanilang kasal sa naturang bukid.
Bukod sa kapilya, ramdam narin ang Pasko sa farm dahil sa mga nakalagay na Christmas decors.
Pwede bumisita dito mula 7am-8pm Lunes hanggang Biyernes, habang 7 am-9 pm naman tuwing Sabado at Linggo.
May P75 na entrance, free para sa mga matatanda, at P50 para sa mga 12-anyos pababa.
Libre pumasok ang senior citizens sa farm.