Advertisers
Binigyan-diin ng Malakanyang na humingi lamang ng permiso kay Pangulong Rodrigo Duterte si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco upang tumakbo bilang speaker ng Kamara.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan kahapon.
Ang pahayag na ito ni Roque ay matapos ang naganap na meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Rep. Velasco nitong Lunes ng gabi, Oktubre 5, sa kahilingan na rin ng mambabatas.
Ayon pa kay Roque na sinabihan umano ni Pangulong Duterte si Velasco na karapatan naman nitong tumakbo bilang House Speaker kung kanyang nanaisin lalo na alinsunod ito sa una nilang napagkasunduan ni Speaker Alan Cayetano. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)