Advertisers

Advertisers

Videoke bawal sa blended learning sa NCR

0 334

Advertisers

SA pagsisimula ng blended learning education, inatasan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Major General Debold Sinas, ang mga hepe at kumander ng pulisya na makipag-coordinate sa mga barangay para pagsabihan ang kanilang mga residente na bawal mag-ingay o mag-videoke sa araw ng may pasok ang mga estudyante sa buong Metro Manila.
Ito ay bunsod ng mahigpit na derektiba ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Camilo Cascolan, sa mga regional at district director ng pulisya sa buong bansa.
Ayon kay Sinas, sa ngayon ay wala pa silang nahuhuling indibidwal na nagsasagawa ng videoke tuwing may okasyon ang bawat pamilya.
Ang hakbanging ito ay dahil na rin sa pagsisimula ng blended learning education ng DepEd. Kailangan kasing makapag-concentrate ang mga mag-aaral sa kanilang mga lesson ngayong bago na ang pamamaraan ng pag-aaral dahil sa COVID-19.
Iginiit pa ni Sinas na hindi lamang sa araw ang klase ng mga estudyante kundi may mga naka-schedule rin sa gabi ang mga mag aaral sa elementarya at high school. (Gaynor Bonilla)