Advertisers

Advertisers

800 tricycle drivers sa QC, inayudahan ni Bong Go

0 269

Advertisers

BINIGYAN ng tulong o ayuda ni Senator Bong Go ang umaabot sa 800 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Quezon City.

Tugon ito ng senador sa mga natanggap na apela ng ng kasapian ng mga TODA dahil nahihirapan na umano sila sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga dalang tulong ng grupo ni Go sa isinagawang pamamahagi sa Polytechnic University sa Quezon City ay ang food packs, face masks, face shields at iba pang mga pagkain.



Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na nabalitaan niyang marami sa mga benepisaryo ay hindi nakatanggap ng Special Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.

Kaya naman agad nakipag-ugnayan si Sen. Go sa DSWD at mabilis namang tumugon ang ahensiya na labis na pinasalamatan ng mababatas.

Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng DSWD ay namigay ang ahensiya ng financial aid sa TODA members.

Bukod sa DSWD, nagpadala rin ng kinatawan ang Department of Trade and Industry (DTI) at nagsagawa ng assessment para sa posibleng benepisaryo ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG program.

Nanawagan naman ng pang-unawa at pagbabayanihan si Sen. Go kasabay ng pagtiyak na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para masolusyunan ang COVID-19 pandemic.



Siniguro rin ni Sen. Go na walang maiiwang Filipino oras na maging available na sa merkado ang bakuna laban sa virus. (PFT Team)