Advertisers

Advertisers

Anda Circle Dancing Fountain, binuksan na!

0 263

Advertisers

Binuksan na sa publiko ang Anda Circle Multicolored Multi-Pattern Dancing Fountain na matatagpuan sa Port Area, Maynila.
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang inagurasyon ng bagong atraksyon sa lungsod.
Dumalo naman sa inagurasyon sina Manila Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan; Rene Escalante, Chairman ng National Historical Commission of the Philippines; Cecille Romero, Executive Director, National Parks Development Committee; Jeremy Barns, Director General, National Museum; Woodrow Maquiling, Director ng Department of Tourism; Al Ryan Alejandre, Executive Director ng National Commission for Culture and the Arts; Eusebio Tanco, President and Director ng Asian Terminal Inc.; William Khoury, Executive Vice President ng Asian Terminal Inc.; at Eligio Fortajada, Port Manager ng PMO, NCR South Harbor.
Sa kanyang maikling talumpati, pinaalalahan ng alkalde ang Manilenyo na huwag susuko sa kabila ng pinagdaraanang pandemya ngayon.
Aniya, tuloy ang buhay, tuloy ang gobyerno habang nakatuon sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga at sa pagpapalakas ng health care system sa Maynila.
Pakiusap lang ng alkalde sa publiko na maging responsable at pakaingatan ang pagmalasakitan ang sarili habang nasa labas ng tahanan.
Babantayan ang Anda Circle ng mga uniform personnel at may mga CCTV nakakabit sa paligid nito upang mabantayan sa mga posibleng magdudumi dito na mga tambay o maliligong mga batang hamog.
May oras lamang sa umaga at sa gabi kung kailan bubuksan ang makulay na fountain ng bagong atraksyon, ayon kay Manila Chief Engineer Armand Andres.(Jocelyn Domenden)