Advertisers

Advertisers

Bong Go sa mga korap sa BI: ‘Pastillas’ na kinotong, ipakakain sa inyo!

0 246

Advertisers

BINANTAAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa “Pastillas scheme” na ipalalamon sa kanila ang mga “kinotong” na pera kapag hindi nagsitigil sa iligal na gawain.

“Early this year, this ‘pastillas’ scheme was brought to light. Ngayon, October na po and it would seem that the masterminds behind this deceitful act of corruption have not yet been made to pay for their transgressions. What’s worse is that the very people who have the responsibility of putting these criminals behind bars are themselves involved in dirty dealings,” ani Go.

Ayon sa senador, nakadidismaya ang mga sangkot at kasabwat sa anomalya sa BI kaya huwag na nilang hintayin na ipakain sa kanila ang “pastillas” o pera na kinotong sa mga dayuhan.



Ani Go, mismong si Pangulong Duterte ay lumong-lumo o sawang-sawa na sa talamak at systematic corruption sa gobyerno.

“And even ang Pangulo ay may mga naririnig siya na korapsyon pa rin dyan sa Bureau of Immigration, huwag ninyo na pong hintayin, heads will roll again just like nangyari sa BuCor at sa iba pang ahensya, sisiguraduhin ko po na makararating ito sa Pangulo,” anang senador.

Tiniyak niya na kapag napatunayan kung sino ang may mga kasalanan, ‘yung anyong pastillas na pera mula sa iligal na gawain ay ipalulunok sa mga tiwali.

Ikinuwento niya na noong alkalde pa ang Pangulo sa Davao City, isang indibidwal na nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa ang “pinakain” ng mga nasabing pekeng dokumento ng Presidente.

May isa ring nagpapanggap na kaanak ng Pangulo na nahuli mismo niya ang pinakain ng pera.



“Kung sa mga corrupt na opisyal na hindi pa po nakatikim ng mismong pera, eh lunukin ninyo, mahirap pong lunukin ‘yan. ‘Wag ninyo na pong hintayin na ipalunok po sa inyo ng Pangulo ‘yung totoong pera na nakabalot ng pastillas ‘pag napatunayang involved kayo dito sa pastillas scheme na ito,” ani Go.

Kaya nakiusap ang senador sa mga opisyal ng ahensiya na tulungan ang bansang Pilipinas dahil hindi tayo aasenso habang may kurakutang namamayagpag sa pamahalaan. (PFT Team)