Advertisers

Advertisers

Health at safety protocols sa pagbabalik ng mga sports activities, unahin – Sen. Go

0 192

Advertisers

“Importante ang pagkakaisa sa larangan ng sport.”

Ito ang pahayag ni Senate Committee on Sports Chairman Christopher “Bong” Go sa budget hearing para sa Philippine Sports Commission at Games and Amusement Corporation.

Sinabi ni Go na napatunayang mayroong tagumpay sa pagkakaisa sa pangunguna ng bansa sa team standing ng SEA-games na ginanap sa bansa noong nakaraang taon.



Kaugnay nito, pinuri ni Go ang PSC at mga organizers ng 30th SEA games dahil sa magandang hosting habang inihayag din ni Go na nakaka-proud ang magandang performance ng mga atleta kaya naging overall champion ang bansa.

Ayon kay Go, hindi man prayoridad ang sports activities ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, prayoridad pa rin ng gobyerno ang kapakanan ng mga atleta kaya naman una na niyang isinulong na matangap pa rin ng mga ito ang allowances.

Tiniyak din ni Go na bukas ang kanyang tanggapan para tumulong na mag-follow up para sa mga atleta.

Samantala, umapela si Go sa PSC at GAB na unahing ikonsidera ang health at safety protocols sa pagdedesisyon sa pagbabalik ng mga sports activities kasabay ng pagkonsulta sa Department of Health at Inter-Agency Task Force.

Kinumpirma rin ni Go na lumapit sa kanya ang PBA para sa pagbabalik ng liga at masaya siyang pumasa sa health protocols ng IATF kaya makakabalik na sa aktibidad pamamagitan ng tinatawag na “bubble” sa Clark sa October 11. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">