Advertisers
INIREKOMENDA ng University of the Philippines OCTA Research Team na ibalik sa mas mahigpit na community quarantine ang 11 lugar sa bansa dahil sa pagtaas ng covid cases.
Base sa datos na nakalap mula Agosto 25 hanggang Oktubre 5, siyam na lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na daily attack rate.
Kabilang sa mga lugar na ipinapasailalim sa mahigpit na community quarantine ay ang Benguet, Davao del Sur, Iloilo, Misamis Oriental, Nueva Ecija, Quezon, Pangasinan, Western Samar at Zamboanga del Sur.
Samantala, ang Cagayan at Isabela ay inirekomenda rin mapasama sa hihigpitan dahil sa limitadong hospital capacity. (Jonah Mallari)