Advertisers
UMAKYAT na sa 331,869 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,363 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 8.
Nasa 51,482 naman ang aktibong kaso.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 743, Region 4A na may 419, Region 3 na may 159.
Nakapagtala naman ang DOH ng 697 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 274,319 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 144 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,069 na ang kabuuan.
May 131 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 54 dito ay recovered cases.
Samantala may 48 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)