Advertisers

Advertisers

Mag-ina dinukot sa Batangas, nahuli-cam

0 447

Advertisers

ISANG linggo nang pinaghahanap ng mga kaanak ang mag-ina na maghahatid lang sana ng pa-order na “footlong” sa isang sasakyan pero sapilitan silang isinakay sa Balayan, Batangas.
Kinilala ang mga biktima na sina Teresa Lopez, 42; at anak nitong si Heinnezie Yoshinaga, 17-anyos.
Ayon kay Ateng Reyes, ina ni Teresa, nagluluto at nagtitinda ng miryenda ang mag-ina. Nang araw na dukutin ang mga biktima, maghahatid daw ito ng footlong dahil may tumawag at nag-order.
Sa kuha ng CCTV sa Barangay Ermita noong Setyembre 30, nakita ang mag-ina na may dalang puting plastic bag na lumapit sa isang nakatigil na itim na Adventure, at nasa likod nito ang isang puting van.
Pero pagpunta ng mag-ina sa gilid ng Adventure, may lalaking lumabas sa kabilang bahagi ng sasakyan at nagtungo sa kinaroroonan ng mag-ina. Isang lalaki rin na nasa puting van ang nakitang sumilip sa loob ng Adventure.
Maya-maya lang, umalis na ang Adventure, sumunod narin ang van, at wala na ang mag-ina.
Hindi malaman ng mga kaanak ng mag-ina kung sino ang kumuha sa mga biktima at ano ang motibo.
Ang asawa ni Heinnezie na si Joshua de Duzman ay labis na nag-aalala lalo pa’t may dalawa silang musmos na anak na naghahanap sa kanilang ina.
Natukoy naman ang plate number na nakakabit sa Adventure na “TQB-425” pero natuklasan na nakarehistro ito sa puting hi-ace van sa Teresa, Rizal.
Dahil dito, lalong lumakas ang hinala ng mga kaanak ng mag-ina na kasabwat ng Adventure ang puting van na nakitang nakatigil sa likod nito.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.