Advertisers
UMAABOT sa P47.6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na tulak ng droga nang maaresto sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Batangas Police sa isang parking lot sa Sto. Tomas City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Joey Liro y Mordes, Lanze Ravenn Esquivel, Angelo Baynas Morales, at John Paul Villanueva Muyco.
Nakuha sa mga suspek ang humigit kumulang sa 7 kilo ng shabu na nagkakahalagang P47.6 milyon.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 Art 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Mark Obleada)