Advertisers

Advertisers

Palasyo hihiling ng special session sa Kamara para sa 2021 nat’l budget

0 273

Advertisers

POSIBLENG hilingin ng Malakanyang na magpatawag na lamang ng special session sa Kamara para sa ikatlong pagbasa sa proposed National Budget sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan nitong Huwebes, Oktubre 8.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay walang nakikitang ligal na hadlang ang Malakanyang para maantala ang deliberasyon ng national budget sa committee level ng Senado matapos mapagtibay ng Kamara ang kanilang bersiyon sa second reading bago sinuspinde ni Speaker Alan Peter Cayetano ang kanilang session noong October 6 sa halip na October 14 at itutuloy sa November 16 para sa third at final reading.
Ani Roque, malinaw ang jurisprudence ng Korte Suprema sa kasong Tolentino versus Finance Secretary noong 1994 na ang national bill tulad ng pambansang budget ay maaaring talakayin na ng Senado ang kanilang bersiyon basta ito ay pormal ng naihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso lalo na at pumasa na sa second reading na itinuturing na good as approved dahil ang third reading ay formality na lamang.
Sinabi ni Roque na kung sa November 16 ay ipapasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa third reading ang national budget, may sapat pang panahon ang Senado na pagtibayin sa plenaryo ang kanilang bersiyon dahil ang susunod na break ng session ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay sa December 14 para sa holiday season.
Niliwanag ni Roque kung talagang kakapusin sa panahon ang pagpapatibay sa national budget bago matapos ang taon dahil sasalang pa ito sa bicameral conference committe, magpapatawag ng special session ang Malakanyang dahil ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng re-enacted budget lalo kailangan ng bagong budget para tugunan ng pamahalaan ang recovery program sa ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.
Nauna rito, ilang senador ang nagsabi ng posibilidad ng re-enacted budget nang suspindehin ng Kamara ang kanilang session hanggang Nobyembre 16 nang hindi naipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang 2021 proposed National Budget. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)