SINONG ULOL NA OPISYAL NG PASAY ANG NAGBIGAY NG GO SIGNAL PARA MAGBUKAS ANG MGA CLUB AT PUB HOUSES SA HOBBIES OF ASIA SA KABILA NG PANDEMYA?
Advertisers
Ilang bahay aliwan sa lungsod ng Pasay ang nahuli ng kapulisan na nag-o-operate sa kabila ng di pa pinahihintulutan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) dahil sa umiiral pa ring pandemya.
Buwan pa lamang ng Setyembre ay pinagkalooban ng umano ng go-signal ng isang halal na opisyal ng lungsod Pasay ang mga nagmamay-ari ng mga establisimiyentong ito upang “mag-business as usual” sa kabila na labag ito sa Bayanihan 2 Act na nagbabawal sa mga night entertainment businesses na magbukas na ng kanilang mga negosyo.
Sa ating expose’ nitong nakaraang linggo na ipinarating pa natin kapwa sa tanggapan nina Senador Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa, ibinulgar natin ang tila “clandestine bubble operation” ng isang notoryus na club cum putahan sa Pasay na KING & QUEEN (formerly TITAN Z).
Ayon sa isang tipster, nasa loob ng nasabing bahay-aliwan ang mahigit sa apatnapung (40) kababaihan na nagta-trabago bilang dancers, GROs at receptionists at naka-stay in.
Sex services ang ipinagkakaloob nito sa kanilang mga banyagang kostomer.
Sa gabi umano nag-o-operate ang nasabing club sa ilang piling kostomer mostly Chinese nationals na nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Disoras ng gabi umano kung dumating sa King & Queen Club ang mga kupal na Intsik na ito lulan ng mga service vans at sa backdoor pinapadaan.
Naka-patay umano ang ilaw at signages sa harap ng nasabing club upang di mapuna ng tao.
Nang umaksyon ang kapulisan ng Pasay mula sa PCP 1, naaktuhan nito ang may 18 kababaihan sa loob ng KING & QUEEN Club ngunit sa halip na arestuhin ay kinunan lamang ng litrato at winarningan dahil di umano alam ng mga pulis Pasay mula sa PCP 1 kung ano ang ikakaso sa mga ito.
Anong kabobohan ito?
‘Di ba nila alam na isang itong ‘glaring violation’ sa Bayanihan 2 Act na kalalagda lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Bakit ang mga kababaihan at iba pang empleyado at kostomer na nahuli ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director, General Emmanuel Peralta mula sa mga pub houses na MATRIC CLUB at CLUB 78 na kapitbahay lamang ng KING & QUEEN diyan sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard ay tinuluyan at kinasuhan?
Sa operasyon ng SPD, marami ang naaresto kabilang ang mga empleyadong kababaihan, waiters at managers ng nasabing dalawang establisimiyento kabilang ang mga lalaki ay babaeng dayuhang kostomer.
Kinasuhan ang mga ito ng paglabag sa Bayanigan 2 Act at sa City Ordinance 6121 ng Pasay City local government.
Teka muna, sa operasyon laban sa KING & QUEEN Club ay pulis-Pasay ang nagtrabaho samantalang sa dalawang iba pang establisimiyento ay mga tauhan ni General Peralta.
Sa unang police operation ng Pasay PCP 1, walang kinasuhan samantalang sa SPD ay tinulungan at kinasuhan lahat.
Short to say na binangketa o minoro-moro ng kapulisan ng Pasay ang operasyon nila laban sa KING & KING na sinasabing protektado ng matataas ng opisyal ng Pasay LGU.
Wala ba talagang magagawa dito si Pasay City Police chief, Col. Erickson Dilag?
Di naman natin masasabing tanga o bobo itong si Colonel Dilag at kung sino mang Herodes na hepe ng Pasay PNP- PCP 1. Naiintindihan naman natin ang kalagayang kanilang kinasasadlakan.
Posibleng ipit ang kanilang “balls” sa kung sino mang pindehong protektor ng KING & QUEEN CLUB na opisyal nga daw ng Pasay City Hall.
Again, it’s a common knowledge sa Pasay City kung sinu-sinong halal na opisyal ng lungsod ang tumatarima sa nasabing night club at nagpapakalunod sa alak at babae!
Nakukuha pa ngang sumayaw sa ibabaw ng center stage ng nasabing establisimiyento ang nasabing opisyal na lango sa alak.
If my memory serves me right, sa parking area ng KING & QUEEN formerly TITAN Z unang inambus ang napatay na konsehal ng Pasay na si Borbie Rivera who eventually get killed in another ambush in a mall in Las Pinas City.
Sa birthday celebration umano ng isa pang mataas na opisyal ng lungsod sa loob ng KING & QUEEN Club galing si Konsehal Rivera bago ambusin.
General Peralta sir, kayo na po ang bahalang magmonitor sa untouchle club cum putahang KING & QUEEN diyan sa Pasay City.
Malakas daw po talaga ito at pader sa local governt ng nasabing lungsod.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com