Advertisers

Advertisers

3 miembro ng pamilya brutal na pinatay sa Cagayan

0 626

Advertisers

Patay ang tatlong miyembro ng pamilya, kabilang ang dalawang anak menor-de-edad nang pagtatagain ng tatlong salarin sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.
Kinilala ang mga biktima na sina Marina Sagid, nasa hustong gulang; Kristine, 8; at Rocky Boy, 1, pawang 7ng Barangay Kittag, Sanchez Mira, Cagayan.
Tatlong salarin sa krimen ang nasa kustodiya ng pulisya na kinilalang sina Efren Innay, 56, isang magsasaka; Ennok Guillermo, 32, kapwa residente sa Brgy. Kittag; at Martin Ganal, 48, karpintero ng Magdalena, Claveria, Cagayan.
Natuklasan ang brutal na pagpaslang sa mga biktima nang magtungo sa bahay ng kapitan ng barangay ang 12-anyos na si Marina na umano’y nakatakas sa masaker.
Sa pagsisisyasat ng PNP Sanchez Mira, dalawang anggulo ang kanilang titingnan, una ang paghihiganti dahil ang isa sa tatlong salarin na si Guillermo ay nasangkot din sa massacre sa kanyang pamilya noong 2013.
May hinala rin ang pulisya na maaari umanong love triangle ang motibo kung saan napag-alaman na umano’y girlfriend ng tatlong salarin ang biktima na si Marina.
Nahaharap ang mga salarin sa kasong multiple murder at frustrated murder.(PFT team)