Advertisers

Advertisers

Sen. Mark Villar tanging minority senator na bumoto sa pagbabago ng impeachment threshold

0 22

Advertisers

TANGING si Senator-Judge Mark Villar mula sa Senate Minority ang lumahok sa botohan at bumotong pabor sa pagbabago ng voting threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Setyembre 23.

Hindi naman lumahok sa naturang botohan ang iba pang miyembro ng minority, kabilang sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.

Bago nito, nag-abstain si Mark Villar sa hiwalay na botohan sa mosyon ni Alan Cayetano na ipagpaliban ang pagresolba sa usapin ng voting threshold.



Sa huli, 13 senator-judges ang bumoto pabor sa apela ni Senator-Judge Erwin Tulfo na baguhin ang naunang ruling na nangangailangan ng 16 na boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte, habang isa ang tumutol at anim ang hindi lumahok.

Sa ilalim ng bagong ruling ng impeachment court, hindi na isasama sa basehan ng two-thirds requirement ang mga senador na hindi legal o aktuwal na makalahok sa proceedings, kabilang ang mga detained, suspended o legally restrained, hindi matagpuan, may physical o medical incapacity, at iba pang nasa katulad na sitwasyon.



Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Mark Villar tungkol sa kanyang naging boto sa pagbabago ng threshold.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">