Advertisers

Advertisers

Pastor, killer ng nursing stude sumuko sa Maynila

0 70

Advertisers

SA halip na matunton sa pinagtataguan, kusang sumuko sa mga awtoridad sa Maynila ang lalaking itinuturong responsable sa pagkasawi ng isang 20-anyos na nursing student na natagpuan ang labi sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Pastor”, 26 anyos, residente ng Barangay Milagrosa, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Una nang nag-alok ng P100,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Bongabong, Oriental Mindoro sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na maka-tutulong sa pagtukoy at pagkaaresto sa responsable sa pagkasawi ng biktima.
Ayon sa pulisya, sumuko ang suspek 11:30 ng gabi ng Linggo, Nobyembre 8, sa pinagsanib na operasyon ng Regional Intelligence Division ng PRO MIMAROPA at Intelligence Section ng Calapan City Police Station sa Quiapo, Maynila.
Ayon sa ulat, inamin ng suspek ang pagkakasangkot sa krimen. Isinalaysay nito sa mga awtoridad ang kaniyang bersiyon sa nangyari.
Kinilala ang biktima na si Altheia Maru Gabayno, estudyante ng St. Anthony College, na natagpuang walang buhay 1:15 ng madaling araw ng Sabado sa Barangay Sapul.
May sugat sa dibdib ang biktima at nakababa ang suot na pang-ibabang damit nang matagpuan, dahilan upang siyasatin din ng mga imbestigador ang posibilidad ng panghahalay dito.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon ng pulisya sa krimen.