Advertisers
Litid ng karne ang ibig sabhin ng lacknet sa Hiligaynon.
Matadero ang ama ni Elmer Bedia, ang Mr Football noong 1980s.
Taga-Barotac Nuevo sa Iloilo ang pamilya niya.
Tumutulong siya mula pagkabata sa hanapbuhay ng kanyang magulang. Binansagan siyang lacknet ng mga tagaroon dahil sa kanyang pambihirang lakas at maayos na pagtratrabaho.
Nagustuhan niya ang alyas at nang tumanda pormal na niyang idinikit ito sa pangalan bilang parangal sa kanyang tatay.
Yan ang paliwanag mismo ni Elmer sa amin ni katotong Bob Novales sa programang OKS noong isang Lunes. Ito raw dahilan kung bakit kasama sa pangalan ang salita.
Nandito muli sa Maynila ang Filipino-Australian para sa isang torneo sa futsal na siya ang nag-organisa. Dinala pa niya mga batang Aussie para maglaro dito at matuto tayo sa kanila.
Ngayong buwang kasalukuyan gaganapin ang mga game.
***
Nasa Knicks na si Dalton Knecht. Ilang araw lang matapos siyang i-waive ng Lakers ay naka-tagpo na siya ng bagong tahanan.
Pinapirma siya ng New York ng 2-way contract at nag- debut siya sa defending champ noong game kontra sa Chicago kung saan may 10 puntos siya sa loob ng 16 na minutos.
Sa darating na mga buwan ay malalaman natin kung magsisisi sina Rob Pelinka na siya ang pinakawalan sa halip na anak ni LeBron James na wala rin namang gaanong silbi sa purple and gold.
***
Nagkainitan pagkayari ng UP vs Ateneo match sa Araneta Coliseum kamakailan.
Mangyari ay sa halip na magkamayan ang da-lawang pangkat ay umiral ang init ng ulo.
Hindi nagustuhan ni Coach Louie Alas na umiskor pa ang Fighting Maroons sa huling se-gundo kahit tiyak na W nila.
Ayon sa Blue Eagles mentor ay dapat hinayaan na lang ng kalaban na mag-buzzer ng walang bubuslo. Yun daw unwritten rule sa ganitong sitwasyon.
Si Asst Coach Christian Luanzon sinabi namang habol nila na makalamang sa quotient system dahil mahigpit ang labanan sa Final Four.
Mabuti naiwasan mauwi na magkasakitan.
Kaya si Tata Selo hindi gusto ang tinatawag na bigayan sa dulo kung panalo na ang isang team.
Fight daw dapat hanggang magwakas. Kawawa naman mga manonood na gusto pa ng may aksyon. At saka kawawa mga bench player na noon lang nagkaminuto.
***
Di bale na nabigo sa Finals ng HK Open si Alex Eala pero makakamit naman niya numero 15 sa WTA ranking.
Pinakamataas yan ngayon ng isang taga-South East Asia.
Tamang tama sa kanyang malaking event sa Philippine Arena sa ika-8 ng Disyembre.