Advertisers
NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na ika-49 ASEAN Summit sa bansa na gaganapin sa November 16 hanggang 18.
Sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nasa 19,869 na mga pulis ang ide-deploy para sa nasabing inaasahang aktibidad.
Ayon kay Nartatez, ang bilang na ito ay titiyak sa seguridad ng mga delegado, lugar ng paggaganapan ng ASEAN, sa mga hotels na tutuluyan at mga ruta sa isasagawang mga motorcade, sa koordinasyon nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP), sa Presidential Security Command (PSC), sa iba pang mga ahensya at sa mga local government unit para sa pagtitiyak ng seguridad sa nasabing aktibidad.