Advertisers

Advertisers

ILANG MATAAS NA OPISYAL SA PNP REGION 4B TILA KONTRA UMANO SA “NO TAKE POLICY” NI PNP CHIEF NARTATEZ?

0 11

Advertisers

MALAMANG na magpupuyos na lang sa galit si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kapag nalaman niyang may ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa PNP Region 4B na diumano’y ‘kontra’ sa ipinatutupad niyang “No Take Policy”.

Ayon kasi sa sumbong mistulang walang silbi ang mahigpit na paalalang ipinatutupad ng hepe ng pambansang kapulisan ang “No-Take Policy” laban sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad, kabilang ang ilegal na sugal at iba pang iligal na operasyon sa bansa.

Ipinagbabawal sa mga pulis na tumanggap ng anumang suhol, “padulas,” o porsyento mula sa mga operator ng ilegal na sugal at iba pang ipinagbabawal na gawain.



Babala ni Nartatez, mananagot at masisibak sa puwesto ang mga Regional Directors, Provincial Directors, Chiefs of Police, at iba pang unit commander kapag mapatunayang may namamayagpag na ilegal sa kanilang nasasakupan.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng PNP na linisin ang hanay ng kapulisan at tiyaking walang pulis na nagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato.



Ngunit sa kabila ng babala at pagpupursige ni Nartatez Jr. na linisin ang hanay ng PNP laban sa mga ilegal na pasugalan, ay may ilan pa ring mga police commander na sumusuway sa kanyang utos kaya ang mga sugalan partikular sa Oriental Mindoro ay patuloy na namamayagpag ang operasyon sa kanilang hurisdiskyon tulad ng peryahan na pulos sugal at jueteng na pinatatakbo umano ng isang maimpluwensiyang pulitiko na malakas sa isang mataas na opisyal ng Malakanyang.

Ang siste Imbes na aksyunan at ipasarado ang mga pasugalan ito ay pinipicturan lamang ng mga pulis ang mga lamesa (gambling paraphernalia tulad ng drop ball bara at color games) ng walang mananaya saka gagawan ng report na walang nagaganap na illegal gambling.



Mga style na bulok. Mismo!

Hanggang ngayon kasi patuloy umanong pinagpipiyestahan gabi-gabi ang sugal na “color games at drop ball baraha” sa bayan ng Bansud, Roxas, Pola, Pinamalayan, Bongabong, Mansalay, Gloria, Bulalacao, Socorro, Baco, Victoria, San Teodoro, at Calapan sa may Petron Gas Station tapat ng Puregold na pinatatakbo nina alyas Fely, Nano, at Onyie na diumano’y mga dayo sa Oriental Mindoro kaya nangangamba ang mamamayan sa posibleng pagtaas na kriminalidad sa lalawigan lalo’t sunod-sunod umanong sumasalakay ang mga akyat bahay, patayan at paglaganap ng droga dahil sa madalas umanong nakikita ang presensya ng ilang tulak na droga na naka tambay sa mga peryahan. Mismo!

Hamon ng mga taga Oriental Mindoro kay Gen. “Tateng” Nartatez Jr. sibakin ang mga police chief sa mga nabanggit na bayan at lungsod kung di nila kayang supilin ang naturang mga ilegalista sa kanilang area’s of responsibility (AOR).

Abangan ang aksyon ni Gen. “Tateng” Nartatez Jr.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com