Advertisers

Advertisers

Presong may sariling staff sa kulungan

0 17

Advertisers

MATAPOS aminin ng beteranong kolumnista at brodkaster na si Ramon “Mon” Tulfo, ang matandang kapatid nina Senador Raffy at Erwin, na “nakuryente” siya sa isang maling ulat tungkol kay dating House Speaker Martin Romualdez, panibagong alegasyon naman ang kumakalat na kailangang busisiin mula sa ilang personalidad.

Ayon sa mga ulat na hindi pa beripikado, pinaglaanan si Senador Rodante Marcoleta ng dalawang kuwartong may air-conditioning para sa kaniyang eksklusibong paggamit sa Payatas, at pinapayagan pa raw ang kaniyang asawa na bumisita at magpalipas ng gabi.

May mga pahayag ding nakatatanggap ng kaparehong VIP treatment ng dating kongresista na si Mike Defensor. Para bang naka-staycation lamang at hindi nakakulong.



Ang mga ito ay hindi pa beripikado.

Noong Hulyo 18, nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi naka-air-conditioned ang mga kulungan ng mga high-profile inmate sa Quezon City Jail Male Dormitory, kabilang sila Marcoleta at Defensor.



Kaya nararapat lamang na beripikahin ang mga bagong pahayag bago ito ituring na katotohanan. Gaya nga ng pag-amin ni Tulfo: “One of the most embarrassing and humiliating experiences as a journalist is to admit that nakuryente ako.”

Kaya upang hindi makuryente, mainam na alamin ang katotohanan. Sa huli, malinaw ang dapat pairalin: iisang pamantayan at patakaran para sa lahat ng bilanggo, anuman ang posisyon, impluwensiya o koneksiyon. Kung may espesyal na pribilehiyo o overnight visit man, dapat may malinaw na legal na batayan at wastong pangangasiwa.



Wala pang pahayag ang BJMP sa bagong kumakalat na ulat na ito.

Better check na CCTV!

***

Mismong ang warden ng BJMP sa Payatas ang nagsabi na mayroong sariling staff sa kanyang selda si ex-House Speaker Martin Romualdez dahil hindi raw nila maibibigay 24/7 ang pangangailangan nito.

Ano ito, opisina?

Puede ba ang ganito? Nakakulong pero may sariling staff!

Dapat sipain ang warden na ito!

Ang Ombudsman at ang Sandiganbayan mismo ang nagsabi na bawal ito.

Sipain ang warden!

***

Balik-sesyon ngayon ang Senado.

Magpapatuloy din ang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Moment naman ito ng depensa ni VP Sara para magharap ng kanilang mga testigo o ebidensiya para pabulaanan ang bilyones na tagong yaman nilang mag-asawa.

Pero mukhang walang makuhang testigo ang depensa. Umatras o tumanggi nang maging bahagi ng trial ang mga kinontak nilang abogado at law firm.

Mahirap naman talaga kasi idepensa o pabulaanan ang bank records, AMLC, BIR, SEC, DTI, SALN at ang testimonya ng mga testigo ng prosekusyon.

Makabubuti kay Sara magbitiw nalang!